ANG PROBINSYANONG BAYANI | ANG PISO NI PEPE
ANG PISO NI PEPE Bilang pag-gunita sa 121st na anibersayo ng pagkamatay ni Dr. Jose Rizal (December 30, 1896), naglaro sa aking isipan kung bakit nasa PISO si Pepe. Marami ang nagsasabing ito raw ay upang magunita ng ating mga kababayan ang pambansang bayani sapagkat ang piso ay taglay ng lahat lalo na ng mga ordinaryong Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ito ba ay nananatili pang may halaga? Ano pa ba ang mabibili mo sa halagang piso? Hindi katulad nuong panahon ng ating mga lolo't lola, ang piso ay napakalaking bagay at pinakaiingatan. Subalit, ngayon marami ka ng makikitang nakakalat na piso sa kalsada ni halos di na pulutin ng ating mga kababayan o kadalasan hinahayaan na lamang kung ito ay mahulog sa daan. PISO LANG NAMAN YAN!!! IBA'T IBANG MUKHA NG PISO NI RIZAL? Sa puntong ito, nananatili pa rin ba kaya sa alaala ng mga Pilipino ang ating pambansang bayani sa kabila ng iba't ibang rebisyon ng piso sa paglipas ng panahon. Nito lamang ay mapapansin na may mga ...